
Lalong nagiging exciting ang mga tagpo ng number one romance fantasy drama on Philippine primetime na The Write One sa nalalapit na magical finale nito.
Ngayong gabi, May 24, mapapanood na sa wakas ang pinakahihintay na episode na kinunan pa mismo sa Paris, France.
Sa ika-38 episode ng show, si Joyce (Bianca Umali) naman ang susugal sa paggamit ng mahiwagang typewriter.
Isusulat niya ang panibagong timeline kung saan babalik sila ni Liam (Ruru Madrid) sa dati nilang buhay.
Mapapadpad si Joyce sa Paris na dream destination nila ni Liam at tila may makikita siyang kamukha nito na namamasyal din sa tinaguriang City of Love.
Bago mapanood ang episode na yan, narito muna ang isang exclusive sneak peek sa Paris taping ng The Write One.
Silipin din ang huling araw ng taping ng The Write One sa Paris sa exclusive video na ito:
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
SAMANTALA, NARITO ANG SNEAK PEEK PARA SA MGA OUTFITS NA SUOT NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI PARA SA FINALE NG THE WRITE ONE: