
For the first time, makakatrabaho ni Kapuso star Bianca Umali ang kanyang real-life boyfriend na si Ruru Madrid sa upcoming romance drama series with a touch of fantasy na The Write One.
Bukod sa kanila, kabilang din sa serye ang kanilang good friends at kapwa real-life couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas.
Para kay Bianca, may advantages at disadvantages ang pagsasama ng mga magkarelasyon sa isang proyekto.
"Lagi natatanong as amin 'yan. Siguro nga it is a curiosity of people about couples who work with each other. Lagi ko sinasabi, it's actually both hard and easy," pahayag ni Bianca.
Naging mahirap daw ito para sa kanya dahil kinailangan niyang paghiwalayin ang personal at professional sides nila.
"It becomes hard kasi you both are very comfortable with each other in real life. For us to be able to work and to treat the project as co-actors, we have to take a step back and to see the project as work and not as something na ginagawa lang natin together," paliwanag ni Bianca.
At the same time, naging madali naman daw ang makapares si Ruru dahil kumportable na sila sa isa't isa.
"It becomes easy naman because you are very comfortable with the person or with the people you work with. Wala ka nang masyadong adjustments. You don't have to know so much kasi nga gagawin mo na lang 'yung eksena with people who you are very comfortable with or with someone who you love," bahagi ng aktres.
Sa parehong media conference, inamin ni Bianca nagkaroon sila ng pagtatalo ni Ruru sa set na nahantong sa pag-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram.
Naitawid naman nila ng mga eksenang kailangan nila kahit pa may tampuhan. Bukod doon, agad din naman nilang naayos ang 'di pagkakaintindihan.
Ang The Write One ay kuwento ng isang frustrated television writer na mabibigyan ng pagkakataon na literal mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng isang antique typewriter.
Abangan ang world premiere ng The Write One sa March 20, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE AT PILOT SCREENING NG THE WRITE ONE DITO: