
Humuhugot daw ng inspirasyon mula sa isa't isa ang cast ng romance drama with a touch of fantasy na The Write One.
Ayon 'yan sa isa sa lead stars nitong si Mikee Quintos.
Dahil very close siya sa mga kaibigang sina Ruru Madrid at Bianca Umali, pati na ang boyfriend na si Paul Salas, mas nagiging bukas daw silang pag-usapan ang kanilang mga eksena at karakter.
"Our friendship is also the reason why we're braver on set, I think. 'Di ba usually, kung iisipin n'yo, 'pag magkakaibigan, masyadong relaxed, masyadong nag-e-enjoy, hindi na seseryosohin 'yung trabaho? With this ensemble, the crew, the people we're with, ramdam mo kasi 'pag umapak ka sa set 'yung passion ng lahat, ng bawat isa. Everyone is doing their part," pahayag ni Mikee sa media conference at pilot screening ng The Write One.
Inspirasyon daw nila ang isa't isa na pagbutihin ang kanilang trabaho.
"You can call it pressure--'yung pressure na binibigay din namin sa isa't isa na ayaw namin kasing pahiyain 'yung bawat isa kasi magkakaibigan nga kami. Because of that, we tend to give our best, too," bahagi ni Mikee.
Aminado ang aktres na minsan, naiilang siya sa mga romantic na mga eksena kasama ang mga kaibigan pero mas nananig daw ang ang kagustuhan nilang makabuo ng magadang palabas.
"Kahit kaibigan ko at best friend ko si Ru, 'pag narinig na namin 'yung 'action' ni direk, nakakalimutan naman namin 'yun. Pinanghahawakan namin 'yung work ethic ng isa't isa at 'yung tiwala na we're gonna make this work. I'm proud of what we did," ayon kay Mikee.
Sa ikalawang linggo ng The Write One, makikita na ni Liam (Ruru Madrid) si Joyce (Bianca Umali) sa bagong mundong ginagawalan niya.
Pero tila ibang tao na rin ito at malayo sa asawang mahal na mahal niya. Bukod dito, may longtime girlfriend ni Liam sa mundong ito, si Via (Mikee Quintos).
Patuloy na tutukan ang The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE AT PILOT SCREENING NG THE WRITE ONE DITO: