
Si Bea Alonzo ang ating aabangan sa happy time ngayong October 30 sa TiktoClock.
Ngayong Lunes, si Bea ay makikipagkulitan, makikisaya, at magbibigay ng blessings kasama nina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza sa TiktoClock.
Saad ni Bea, "Excited na akong maki-happy time sa inyo. Samahan n'yo kaming maglaro, maki-jam sa mga divang bida-bida, at mamigay ng maagang pamasko dito lang sa TiktoClock!"
Alamin ang mga sasalihan ni Bea na exciting segments ng TiktoClock at bonding kasama ang mga Tiktropa ngayong Lunes, 11:15 a.m. sa GMA Network.
Manood ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network at Adventure.Taste.Moments (ATM) YouTube channels at TiktoClock Facebook page.