
Tumanggap ng nakakakilig na birthday message si Rabiya Mateo sa kaniyang kaarawan.
Sa birthday episode ni Rabiya ngayong November 14 sa TiktoClock ay bumisita ang kaniyang boyfriend na si Jeric Gonzales.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Para sa birthday ni Rabiya ay nagbigay ng nakakakilig na mensahe si Jeric para sa kaniyang "babe."
Ani Jeric, "Message ko, I love you."
Saad pa ni Jeric ay mananatili siya sa tabi ni Rabiya at ipapakita niya lagi ang kaniyang suporta sa girlfriend.
"And alam mo naman na nandito lang ako para sa'yo. I'm proud sa success mo ngayon. Marami kang trabaho, busy ka. nandito lang ako lagi for you to support you."
RELATED GALLERY: LOOK: Jeric Gonzales and Rabiya Mateo's sweetest photos
Nagpasalamat naman si Rabiya dahil sa tulong ni Jeric sa kaniyang personal growth.
Ani Rabiya, "Thankful talaga ako for Jeric kasi siya 'yung nagba-balance out ng hindi magandang ugali ko. He keeps me humble."
Dugtong pa ng TiktoClock host, "Wala naman perpektong tao, but the good things about Jeric he reminds me to be humble."