
Nakatanggap ng mensahe ng suporta ang "Tanghalan ng Kampeon" ng TiktoClock mula sa dating Senior Vice President ng Entertainment ng GMA Network na si Wilma Galvante.
Ang mensaheng ito ay makikita sa Facebook page ng direktor ng TiktoClock na si Direk Louie Ignacio.
Kahapon, February 5, napanood sa TiktoClock ang official announcement ng "Tanghalan ng Kampeon." Mapapanood na ang kilalang singing contest na "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock simula February 12.
Sa post ni Direk Louie tungkol sa "Tanghalan ng Kampeon" nagkomento ang dating Kapuso executive.
Saad ni Wilma Galvante, "Louie Ignacio, show ko yan. I started this in GMA in 1989 with Al Quinn as director, Daniel Tan as MD, Agnes S. Caballa, writer, Susan Trinidad, EP and Darling De Jesus Bodegon. I'm glad GMA will revive the format. Good luck to everyone involved in the program now."
Sumagot naman ang award-winning director na excited na sila sa pag-revive ng "Tanghalan ng Kampeon."
"Wilma Galvante opo Mama ikaw ang Original nito. Excited nga kami sobra buti na revive ni Darling De Jesus Bodegon Thank you Mama"
PHOTO SOURCE: Facebook