
Ngayong Lunes, February 12, nagbalik telebisyon na ang tinututukang singing contest ng bansa na "Tanghalan ng Kampeon."
Sa TiktoClock mapapanood ang "Tanghalan ng Kampeon," kung saan ang hosts nito ay sina Kuya Kim Atienza at Pokwang. Samantala, naging judges naman sina Renz Verano at Jessica Villarubin, kasama ang guest judge na si Carl Guevarra ng The Juans.
Sa unang banggaan ng "Tanghalan ng Kampeon" ay nagtapat sina Simone Alexy Ravago at John Yhel Gabonada.
Matutukoy ang magiging kampeon sa kabuuang bilang ng stars na ibibigay ng judges. Si Simone ay nakakuha ng 4 stars mula kay Jessica, 3 stars mula kay Carl, at 3 stars mula kay Renz.
Samantala, si John Yhel ay nakakuha naman ng 5 stars mula kay Jessica, 4 stars mula kay Renz, at 5 stars mula kay Carl.
Ang itinanghal na unang kampeon ay si John Yhel. Siya ang nagwagi ng PhP10,000 at babalik para sa susunod na bangaan sa "Tanghalan ng Kampeon."
Sa YouTube at Facebook stream ng TiktoClock ay makikitang napahanga at na-excite ang mga nakapanood ng "Tanghalan ng Kampeon." Napabilib ang mga Tiktropa nating nakapanood online sa opening ng judges at sa unang banggaan.
PHOTO SOURCE: YouTube and Facebook
Dalawang contestants ang maghaharap muli bukas. Abangan ang susunod na episode ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.
Manood ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa Kapuso Stream sa YouTube at sa TiktoClock official Facebook page.