
Nagsama-sama sa stage ng TiktoClock ang lima sa grand finalists ng "Tanghalan ng Kampeon" para sa isang pasabog na opening number.
Bukod sa kanilang kahanga-hangang performance, sina Sheena Palad, MC Mateo, Lucky Robles, Gary Villalobo, at Rica Maer ay nagbahagi rin ng kanilang pasasalamat sa suportang natatanggap bilang grand finalists ng "Tanghalan ng Kampeon".
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Kuwento ni MC, "Sobra po 'yung suporta ng pamilya ko, mapa-side ng mama ko, ng papa ko. As in lahat ng angkan. Marami pong salamat kasi ramdam na ramdam ko po 'yung suporta nila."
Si Lucky naman ay pasasalamat din ang mensahe sa pamilya dahil sumusubaybay sila sa TiktoClock.
"Todo one hundred percent even 'yung mga pamilya ko abroad talagang hindi nila nami-miss ang panonood sa TiktoClock."
Ayon kay Sheena, hindi na niya kapiling ang mga magulang pero todo naman sa suporta ang kaniyang mga kapatid.
"Wala na po kasi akong magulang so 'yung mga kapatid ko sobra po 'yung panalangin at 'yung suporta nila sa akin every time na nandito ako sa TiktoClock stage. Tinatanong nila 'kumain ka na ba, maayos ba 'yung damit mo? pinapanalangin ka namin' Kaya maraming salamat po sa mga kapatid ko."
Si Gary ay nagbahagi rin ng kaniyang suportang natatanggap mula sa pamilya sa kaniyang pagkakapanalo bilang grand finalist ng "Tanghalan ng Kampeon". Ani Gary, "Lagi akong kinukumusta nila kung kailan daw 'yung grand finals. Maghanda na raw ako. Kaya overwhelmed ako sa aking pamilya."
Samantala, si Rica ay pasasalamat din ang mensahe hindi lamang sa pamilya kung hindi pati na rin sa mga naniniwala sa kaniyang kakayahan.
Ani Rica, "Sobrang ramdam ko po, kahit hindi ko po family. 'Yung mga supporters ko po sa pagla-livestream ko po and sa mga bago ko pong supporters, maraming-maraming salamat po."
Patuloy na tumutok sa TiktoClock para sa bangaan ng boses sa "Tanghalan ng Kampeon". "Masaya Dito!" kaya manood ng TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV.
Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.