GMA Logo Tanghalan ng Kampeon season 2 grand champion Tala Gatchalian
What's on TV

Tala Gatchalian, grand champion ng 'Tanghalan ng Kampeon' season 2 sa 'TiktoClock!'

By Maine Aquino
Published November 21, 2024 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon season 2 grand champion Tala Gatchalian


Congratulations, Tala Gatchalian! Ang grand champion ng 'Tanghalan ng Kampeon' season 2.

Hinirang na si Tala Gatchalian bilang grand champion ng "Tanghalan ng Kampeon" season 2 sa TiktoClock.

Si Tala ang nagpakita ng kaniyang world class talent sa mga Tiktropa sa grand finals ngayong November 21.

Sina Trixie Dayrit, Jessa Mae Gallemaso, Lance Fabros, Marvin Mendoza, at Tala Gatchalian ang mga huling grand finalists na naglaban laban para sa kanilang mga pangarap sa "Tanghalan ng Kampeon" season 2. Sa grand finals nasaksihan ng mga manonood ang hirap na hinarap ng mga inampalan na sina Renz Verano, Hannah Precillas, at Daryl Ong sa pagkilala ng hihiranging grand champion.

Ang nagbigay ng grand champion trophy ay sina GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara at Head of GMA Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable.

Ngayong Biyernes, November 22, abangan ang musical special ng TiktoClock. Kasama rito ang TiktoClock hosts na sina Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, Herlene Budol, Jayson Gainza, at Pokwang. Makikisaya rin sa Biyernes ang mga inampalan na sina Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Daryl Ong, Garrett Bolden, and OPM icon, Mr. Renz Verano.

Manood ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA at sa GTV.