GMA Logo Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock
What's on TV

Tanghalan ng Kampeon 2025 auditions, binuksan na ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published January 9, 2025 4:51 PM PHT
Updated January 10, 2025 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock


Sali na sa pagbabalik ng Tanghalan ng Kampeon sa 'TiktoClock!'

Exciting ang 2025 sa TiktoClock dahil muling magbabalik ang Tanghalan ng Kampeon.

Mas malaki at mas pinalawak na ang kompetisyon ng mga Pilipinong may pusong kampeon na Tanghalan ng Kampeon.

Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock

Sa mga nais sumali at sumunod sa yapak ng season 1 and 2 grand champions na sina MC Mateo at Talaga Gatchalian, mag-audition na sa Tanghalan ng Kampeon. Pumunta lamang sa GMA Network Studio 6, Wednesday and Thursday, 3:00 p.m. to 5:00 p.m. at hanapin si Rommel Bago.

Sinimulan na rin ang auditions para sa Tanghalan ng Kampeon Japan. Noong December 18, ginanap ang contract signing ng GMA Network at Star Studio Japan para sa Japan auditions ng Tanghalan ng Kampeon. Ang Tanghalan ng Kampeon Japan ay magkakaroon ng online auditions and on-ground events.

RELATED GALLERY: GMA Network at Star Studio Japan, maghahanap ng kampeon sa Japan para sa 'Tanghalan ng Kampeon'

Para sa aspiring singers sa Japan, bisitahin lamang ang official Facebook pages ng Star Studio Japan at TiktoClock para sa detalye ng online auditions and on-ground events ng Tanghalan ng Kampeon Japan.

Patuloy na tumutok sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.

SAMANTALA, NARITO ANG BEHIND THE SCENES NG TIKTOCLOCK PICTORIAL: