GMA Logo Faith Da Silva and Herlene Budol
What's on TV

Faith Da Silva at Herlene Budol, ikinuwento ang estado ng kanilang puso ngayong Valentine's Day

By Maine Aquino
Published February 10, 2025 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva and Herlene Budol


Alamin ang kuwento nina Faith Da Silva at Herlene Budol sa darating na Valentine's Day.

Ikinuwento nina Faith Da Silva at Herlene Budol ang estado ng kanilang mga puso ngayong Valentine's Day.

Sa darating na Biyernes na ang Araw ng mga Puso kaya naman kinumusta sa TiktoClock ang Kapuso actresses at hosts na sina Faith at Herlene.

Kuwento ni Faith, "There's love from within, 'yun ang pinakaimportante."

Faith Da Silva and Herlene Budol

Paliwanag pa ni Faith, may taping sila ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa Biyernes. Aniya, ang mahalaga ay kapiling niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.

"Ilang taon ko na 'tong pinagdadaanan na wala akong ka-date usually for Valentine's. Pero basta nandiyan ang pamilya at mga kaibigan, okay na ang lahat."

Si Herlene naman ay masaya kahit single ngayong Valentine's Day.

"Masaya ako kahit na dalawang taon na akong mag-isa ko lang."

Saad pa niya, mayroon din silang taping ng Binibining Marikit at nagpapasalamat siya sa mga trabahong kanyang natatanggap bilang Kapuso star.

"Okay na ho ako. Marami namang work ang pumapasok, mahal ko kayo. Mapagmahal tayo e."

Patuloy na subaybayan ang happy time at pamimigay ng blessings ng TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.

NARITO ANG BEHIND THE SCENES NG TIKTOCLOCK PICTORIAL: