
Kilig at good vibes ang naramdaman ni Arra San Agustin ngayong Valentine's Day sa TiktoClock.
Ngayong February 14, napanood ang bagong kilig segment ng TiktoClock na Love Under Cover.
Sumabak si Arra sa isang dating game at pumili sa apat na "Covered Boys." Ang "Covered Boys" ay unti-unting ini-reveal kay Arra hanggang siya ay makapili ng kaniyang makaka-date.
Nagbigay si Arra ng mga katangian na hanap niya sa kanyang makaka-date. Ani Arra, "Gusto ko lang 'yung magpakatotoo kayo. Gusto ko rin confident, pero hindi mayabang."
Ang huling tanong ni Arra sa Love Under Cover ay, "Kung high maintenance ako, paano ninyo ako aalagaan?" Sumagot naman ang nanalong si Daryl Rodriguez ng, "Pasasayahin kita at aalagaan, kaya kong mag-sacrifice para sa'yo."
Sina Arra at Daryl ay magkakaroon ng all-expenses paid romantic date.
Panoorin ang unang episode ng Love Under Cover ng TiktoClock:
Samantala, sa mga nais sumali sa Love Under Cover, narito ang detalye: