
Isang nakakakilig na umaga ang napanood sa TiktoClock dahil sumabak sa "Love Under Cover" ang Kapuso star na si Analyn Barro.
Si Analyn ay ang namili sa apat na Covered Boys na kanyang makaka-date sa segment na "Love Under Cover." Inilahad niya ang kanyang ideal guy sa apat na sumali. Aniya, "Gusto ko 'yung napapatawa ako. Gusto ko talaga 'yung same kami ng humor."
Sa huli ang napili ni Analyn si Covered Boy number four. "Parang gusto ko 'yung ipaglalaban ako."
Sa mga nais makaka-date kanilang mga celebrity crush, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuoang detalye:
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 a.m. sa GMA Network.