GMA Logo Love Under Cover in TiktoClock
What's on TV

Nikki Co at kaniyang date sa 'Love Under Cover' ng 'TiktoClock,' nagkahiyaan sa reveal?

By Maine Aquino
Published March 26, 2025 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Love Under Cover in TiktoClock


Bagay na bagay si Nikki Co at ang kaniyang napiling date sa 'Love Under Cover' na si Patty!

Kinilig ang studio audience ng TiktoClock dahil sa episode ng Love Under Cover!

Ang Kapuso actor na si Nikki Co ang naghanap ng kaniyang makaka-date sa Love Under Cover. Ayon sa hosts na sina Faith Da Silva at Herlene Budol, si Nikki ay kaka-break lang sa kaniyang previous relationship noong Disyembre.

Saad ni Nikki sa TiktoClock, "Baka ngayon, dito ko makikita yung maghi-heal sa akin."

Pagkatapos ng ilang rounds ay napili ni Nikki ang Covered Girl number two na si Patty. Siya ay isang content creator and entrepreneur.

Love Under Cover in TiktoClock

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Ikinagulat naman ng mga Tiktropa ang naging reaksyon ni Nikki. Sigaw pa ni Faith sa kanila, "Bagay na bagay kayo!"

Panoorin ang nakakakilig na paghaharap nina Nikki at Patty sa Love Under Cover ng TiktoClock.

Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Nikki, sali na sa Love Under Cover sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.