
Inamin ni Jelai Andres na nabudol daw siya noon ng dating nakarelasyon.
Hindi pinangalanan ni Jelai ang dating karelasyon pero kuwento ni Jelai, "Hindi ko alam. Pero okay naman na ako ngayon."
Si Jelai ay ang bagong celebrity na naghanap ng makaka-date sa “Love Under Cover” ng TiktoClock. Biro pa ni Jelai sa kaniyang ideal guy, "Simple lang naman, pogi, mayaman, mabait, responsable. Simple lang."
Bago sumalang sa “Love Under Cover,” nagpayo si Jelai sa mga sumaling Cover Boys. Ani Jelai, "Madali lang talaga ako pasayahin. Basta magkakasundo kami."
Pagkatapos ng kapaan at tanungan, napili ni Jelai ang Cover Boy number 3 na si Rio Mizu. Si Rio ay isang Japanese model and content creator.
Balikan ang nakakakilig na episode ng “Love Under Cover” dito:
Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Jelai, sali na sa “Love Under Cover” sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.
Patuloy na subaybayan ang April Full na hatid ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.