
Natalo ni Donna Ricafrente ang grand finalist na si Gia Vecino sa ginanap na Hamon ng Kampeon sa TiktoClock.
Si Gia ay ang grand finalist mula sa Cavite na nagkaroon ng eight consecutive wins sa Tanghalan ng Kampeon.
Ngayong 2025, mas mabigat na ang tapatan dahil kinakailangan na ng walong panalo ng mga Pilipinong may pusong kampeon para makakuha ng pwesto sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon. Bukod dito, mas malaking hamon pa ang haharapin ng mga kampeon dahil sa "Hamon ng Kampeon."
Ayon sa TiktoClock, "Sa oras na may limang grand finalists na nakapwesto sa grand finals, isang bagong pagsubok ang pagdadaanan ng kampeon ngayon. Upang makuha ang inaasam na ikawalong panalo.
Mula sa limang nakapwesto, pipili ang kampeon ngayon ng isang grand finalist na hahamunin at silang dalawa ang maghaharap sa one-on-one bakbakan."
Ngayong June 19, pinili ni Donna na makaharap si Gia para sa Hamon ng Kampeon. Sa huli ay nakuha ni Donna ang spot sa grand finals matapos siyang bigyan ng 14 stars mula sa mga inampalan na sina Renz Verano, Jessica Villarubin, at Daryl Ong.
Ipinakita sa TiktoClock na nagulat si Donna sa kaniyang pagkakapanalo. Ani Donna, "Hindi ko expected kasi sobrang galing ni Gia."
Dugtong pa niya, "Ang goal ko lang po talaga is makapagbigay ng magandang performance so hindi naman ako nage-expect."
Ayon pa kay Donna ay nagpapasalamat siya dahil kabilang na siya sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon.
"I am just so happy and thankful po."
Ang kasama ni Donna sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon ay si LA Escobar, Trish Bonilla, Baron Angeles, at Julius Cawaling.
Patuloy na subaybayan ang mga Pilipinong may pusong kampeon sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 a.m. sa GMA.