GMA Logo Migs Almendras
PHOTO SOURCE: @migs_almendras
What's on TV

Migs Almendras, naghanap ng ka-date na may sense of humor

By Maine Aquino
Published June 25, 2025 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Migs Almendras


Balikan ang nakakakilig na pagpili ni Migs ng makaka-date sa 'Love Under Cover' sa 'TiktoClock'.

Nakahanap ng ka-date at nagpakilig sa "Love Under Cover" ng TiktoClock ang Kapuso star na si Migs Almendras.

Si Migs ay ang latest kiligspector na sumali sa "Love Under Cover". Inamin ng Binibining Marikit star na si Migs na pre-pandemic pa raw ang kaniyang last serious relationship.

Kuwento ni Migs, "Noong nag-lockdown sabi ko hindi, lockdown na rin dapat 'yung pag-ibig."

Migs Almendras in TiktoClock

PHOTO SOURCE: @migs_almendras/ TiktoClock

Inilahad pa ni Migs ang hanap niya sa isang makaka-date. Ani Migs, "Ang lagi kong hinahanap diyan, good sense of humor."

Sa huli, ang ikatlong contestant na si Cleo ang napili ni Migs. Siya ay isang finance student at freelance model.

Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Migs, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock para sa kilig, happy time, at bigayan ng blessings, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA.