GMA Logo Pokwang
What's on TV

Pokwang, nag-conceptualize ng kaniyang birthday number sa 'TiktoClock'

Published August 28, 2025 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeach rumors vs Marcos ‘shapeless,’ says Adiong
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


August 27, idineklara ng 'TiktoClock' na "Mamang Pokwang's Day" para sa birthday ni Pokwang.

Masayang nag-celebrate ng kaarawan ang TiktoClock host na si Pokwang!

Kahapon, August 27, inilahad ng TiktoClock na idineklara nila ang araw na ito na "Mamang Pokwang's Day" para i-celebrate ang special day ni Pokwang.

Ang birthday production number sa TiktoClock ay inihanda mismo ni Pokwang. Kasama niya pang nag-perform ang dance legends na sina Geleen Eugenio, Joy Cancio, at Mel Feliciano.

Kuwento ni Pokwang sa kaniyang paghahanda ng birthday number, "Gusto ko po talaga maging TV dancer. 'Yun po talaga ang pangarap ko at sila ang ating mga icon, mga iniidolo ko."

RELATED GALLERY: LOOK: Pokwang's most stunning photos

Ang co-host ni Pokwang na si Kuya Kim Atienza ay nagbahagi naman ng mensahe mula sa buong TiktoClock family. Saad ni Kuya Kim, "In behalf of lahat ng cast ng TiktoClock, talagang isa kang nanay sa amin. May you continue to be blessed because you are a blessing to everyone that you meet...May you be blessed this coming year."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Sa huli ay nagpasalamat naman ang birthday girl na si Pokwang sa kaniyang TiktoClock family.

"TiktoClock, I love you. Maraming salamat!"

Panoorin ang birthday episode ni Pokwang dito:

Patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 a.m. sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG LARAWAN NG TIKTOCLOCK STARS SA GMA GALA 2025: