GMA Logo TiktoClock hosts pray for earthquake victims in Cebu
What's on TV

'TiktoClock,' nakiramay at nagdasal para sa mga kababayan sa Cebu

By Maine Aquino
Published October 1, 2025 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filmmaker Desireena Almoradie on queer parenting and the joy of letting a child become himself
Bacolod fortifies borders vs ASF
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock hosts pray for earthquake victims in Cebu


Nagsama-sama ang mga bumubuo ng 'TiktoClock' sa pagdarasal para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu.

Sinimulan ng TiktoClock ang programa ngayong October 1 sa isang pakikidalamhati at pagdarasal para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu.

Kagabi, September 30, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Cebu. Ayon pa sa balita, marami ang nasaktan at may mga naitalang nasawi sa lindol.

Nagbigay ng mensahe si Pokwang sa programa. Saad ng TiktoClock host, "Mula sa lahat ng hosts, guests, at lahat ng bumubuo ng TiktoClock, kami po ay nakikidalamhati at patuloy na nagdarasal para po sa mga kababayan natin na nasalanta ng lindol sa Cebu at iba pang probinsya sa Visayas."

TiktoClock

Dugtong pa naman ni Kuya Kim Atienza, "Tulad ng araw-araw naming sinasabi, ano man po ang pinagdadaanan ng ating bansa, panata namin na samahan kayo. Sama-sama nating harapin ang bagong umaga sa TiktoClock."

Saad naman sa post ng TiktoClock mula sa episode ngayong October 1, "Nakikidalamhati ang #TiktoClock at patuloy na nananalangin para sa mga kababayan natin sa Cebu."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Samantala, patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA.