GMA Logo pokwang kim atienza rabiya mateo
Photo source: Sparkle GMA Artist Center
What's on TV

Pokwang, Kim Atienza, at Rabiya Mateo, nag-bonding muna bago ang upcoming project nila sa GMA Network

By Maine Aquino
Published June 10, 2022 10:35 AM PHT
Updated June 27, 2022 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang kim atienza rabiya mateo


Excited na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateosa pagsisimula ng kanilang bagong Kapuso project na 'TiktoClock.'

Masayang nag-bonding sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo nitong Biyernes, June 3.

Sina Pokwang, Kuya Kim, at Rabiya ang magiging host ng bagong Kapuso show na TiktoClock, isang one-of-a-kind countdown variety show kung saan every minute counts na magsisimula sa July 2022.

Pokwang Kuya Kim Atienza Rabiya Mateo

Photo source: @itspokwang27/ @kuyakim_atienza/ @rabiyamateo

Sa isang Instagram post ng comedy actress, inihayag niya ang kanyang excitement sa pagsasama nilang tatlo sa isang Kapuso project.

Ayon pa kay Pokwang, isang biyaya ang mapabilang sa bagong proyektong ito.

"Masasabi ko itong, isa nanamang biyay. thank you po Lord, my @gmanetwork and my @sparklegmaartistcenter family yeheeeyyy SOON! excited at udong udo na to work with you direk @direklouieignacio @kuyakim_atienza and of course ang hahabol sa ganda ko na sana wag syang hingalin @rabiyamateo hahahhahaaaa KAPE!!!"

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sagot naman ni Kuya Kim sa post ni Pokwang, "Excited na ako pokie. 12 years nating hinintay ito :)"

Nakita rin sa Instagram story ni Rabiya ang post na ito, kung saan sinabi ng Miss Universe Philippines 2020, "Another blessing."

Abangan soon ang sina Pokwang, Kuya Kim, at Rabiya bilang TiktoClock Tropa sa GMA Network.

Samantala, silipin ang bahay ni Pokwang sa Antipolo sa gallery na ito: