GMA Logo Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo
Photo source: @kuyakim_atienza
What's on TV

'TiktoClock' hosts na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo, sumabak sa workshop

By Maine Aquino
Published June 23, 2022 10:53 AM PHT
Updated June 27, 2022 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo


Naghahanda na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo sa nalalapit na pagsisimula ng 'TiktoClock.'

Nagsama-sama sa isang fun at exciting workshop sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo.

Ang workshop na ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang bagong programa na dapat abangan sa GMA Network na TiktoClock.

Ang TiktoClock ay ang one-of-a-kind countdown variety show kung saan “every minute counts.” Bibida rito bilang TiktoClock hosts or Tiktropa sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo.

Pokwang Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo

Photo source: @kuyakim_atienza

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Kuya Kim ang kanilang workshop.

Saad ng Kapuso host, "Workshop day for the tiktoclockers. Thank you direk @floyquintos for facilitating and nice seeing you again after 30 plus years! #tiktoclock sa @gmanetwork."

Isang post na ibinahagi ni Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Sa TiktoClock, mapapanood ang mga exciting time-limited games, buzzer-beater performances, and various interactive games and surprises. Kasama sa aabangan sa programa ay ang instant pa-premyo na handog para sa mga home viewers!

Abangan sina Pokwang, Kuya Kim, at Rabiya sa TiktoClock ngayong July 2022 na sa GMA Network!