
Excited na sa nalalapit na launch ng one-of-a-kind countdown variety show na TiktoClock sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo.
Sa kanilang Instagram posts, inihayag ng mga TiktoClock host o Tiktropa na sina Pokwang, Kuya Kim at Rabiya ang kanilang excitement at pasasalamat sa kanilang bagong Kapuso show.
Photo source: @kuyakim_atienza
Saad ni Pokwang sa kaniyang Instagram account, "Ngayong July na!!! #Tiktoclock 11:15 am to 12 noon monday to friday… see you mga Kapuso. follow @tiktoclockgma please. thank you."
Ipinakita rin ni Pokwang ang kanilang bonding ni Rabiya sa dressing room. Saad niya naman sa post na ito, "Excited na kami ni @rabiyamateo at @kuyakim_atienza sa happiness na idudulot sa inyo ng bagong programang hatid ay saya at pa premyo mula lunes hanggang biernes ang @tiktoclockgma #Tiktoclock #newvarietyshow dito lang yan sa @gmanetwork SOON…. see you po mga kapuso."
Ipinasilip naman ni Kuya Kim ang stage ng TiktoClock sa kaniyang Instagram post. Ani Kuya Kim, "#Ticktoclock na, Happy time na! 11:15 -12:00 pm araw araw sa @gmanetwork this July na!"
Samantala si Rabiya naman ay nag-post sa kaniyang Instagram story ng pasasalamat sa bagong project niya sa GMA Network.
"Thank you Lord for all the good opportunities," saad ng Kapuso beauty queen and host.
Abangan ang ating Tiktropa na sina Pokwang, Kuya Kim at Rabiya ngayong July sa TiktoClock!