
Ikinuwento ni Kuya Kim Atienza ang challenge sa pagiging host ng bago at one-of-a-kind variety show ng GMA Network na TiktoClock.
Kuwento ni Kuya Kim sa Kapuso ArtisTambayan ngayong July 21, kailangan nilang mapanatili ang energy at saya na ibabahagi sa viewers ng TiktoClock. Nakasama ni Kuya Kim sa Kapuso ArtisTambayan si Rabiya Mateo at host naman sa araw na ito si Betong Sumaya.
Saad ni Kuya Kim, "Ang challenge ko dito sa show na ito. Ang order sa amin ni Direk Louie Ignacio is, sabi niya kailangan from the very first second of the show nanggigil ka na. So dapat 'yung gigil na 'yun you should retain it up to the last second of the show."
Dugtong pa ni Kuya Kim, "Ang taas ng energy nung show kailangan pataasin mo nang husto para 'yung Tiktropa natin sa studio mataas din ang energy. It should be projected on TV na mataas ang energy to second one to the last second one."
Photo source: @kuyakim_atienza
Pag-amin ni Kuya Kim, kailangan pa nilang ipakita ang kanilang galing at energy sa bawat episode.
"Tatlo lang ang host dito. It is really a challenge to keep it up and to do it every single day. Kumbaga excellence, high energy, every single day."
Inihayag rin ng TiktoClock host na china-challenge nilang mga hosts ang kanilang sarili na makapagbigay ng excellent show sa mga Kapuso viewers.
"The challenge is how to challenge ourselves. How to match ourselves for the next show. Today should be the excellent performance that I will give, and tomorrow will be the same. 'Yun ang challenge doon."
Abangan sina Kuya Kim, Rabiya, at Pokwang sa TiktoClock simula ngayong July 25, 11:15 a.m. sa GMA Network.
TINGNAN ANG PHOTOS NG TIKTROPA NA SINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA DITO: