GMA Logo TiktoClock Kuya Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo
What's on TV

World premiere ng 'TiktoClock,' kinaaliwan ng netizens!

By Maine Aquino
Published July 25, 2022 2:14 PM PHT
Updated July 25, 2022 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock Kuya Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo


Ngayong July 25, napanood na ang world premiere ng bagong variety show ng GMA na 'TiktoClock!'

Ikinatuwa ng netizens ang unang pasabog ng happiness ng TiktoClock ngayong July 25.

Ngayong Lunes ang world premiere ng bago at one-of-a-kind na variety show na TiktoClock. Sa episode na ito ay napanood ang masayang tropa natin tuwing umaga na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo.

Photo source: TiktoClock

Napanood ngayong umaga ang guests na sina Ken Chan, Ashley Rivera, Faith Da Silva, Roxie Smith, at ang Filipino boy group na VXON.

Sa livestream feed at Twitter ay ibinahagi ng mga Tiktropa home viewers ang kanilang feedback sa bagong handog na ito ng GMA Network.

Saad ng isang viewer sa livestream, "Maganda ang show kahit kaka-start pa lang. Good job Kuya Kim, Rabiya Mateo, and Mamang Pokwang."

Ayon naman sa isang comment, "Super bitin pero super fun"

Photo source: Facebook/ Twitter

May isang netizen na nagsabing tututok na siya parati sa TiktoClock, "Ganda talaga. Manonood na ako niyan, at buong pamilya lagi, at mga kapitbahay. Love it GMA."

Unang araw pa lang 'yan ng happy time na handog ng TiktoClock. Abangan ulit ang TiktoClock bukas, 11:15 a.m. sa GMA Network!

KILALANIN ANG ATING TIKTROPA NA SINA POKWANG, KUYA KIM, AT RABIYA: