GMA Logo TiktoClock
What's on TV

Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo, may nakaka-touch na mensahe sa kaarawan ng 'TiktoClock' co-host na si Pokwang

By Maine Aquino
Published August 26, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock


Isang espesyal na mensahe ang ibinahagi nina Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo sa birthday episode ni Mamang Pokwang sa 'TiktoClock.'

Puno ng pagmamahal ang ibinahaging mensahe nina Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo para sa birthday ni Pokwang.

Ngayong August 26, napanood ang maagang birthday celebration ni Mamang Pokwang sa TiktoClock. Dito ibinahagi ng kanyang co-hosts na sina Kuya Kim at Rabiya ang nakaka-touch na mensahe sa kanyang espesyal na araw. Ang kaarawan ng ating Tiktropa na si Pokwang ay ngayong Sabado, August 27.

Saad ni Rabiya, "Mamang, ikaw na talaga ang ate ko sa industry na 'to. Ikaw ang nagsasabi sa akin kung sino ang dapat iwasan at kung sino ang dapat i-pursue."

Wish ni Rabiya sa kanyang ate na si Pokwang ay maraming masasayang taon pa ang kanilang pagsamahan ng bunsong anak na si Malia.

"Ang wish ko Mamang ay dapat bigyan ka pa ni God ng maraming energy para marami ka pang taon na mapalaki si Malia. Happy birthday, Mamang!"

Si Kuya Kim naman ay puno ng paghanga at pagmamahal sa co-host na si Pokwang.

Ani Kuya Kim, "It's an honor na makasama kita. Mahal kita bilang tao. Saksi ako sa kagandahan ng iyong kalooban, hindi lang sa talent ang iyong skills."

Happy birthday, Pokwang!

NARITO ANG LITRATO NG ATING TIKTOCLOCK HOSTS NA SINA POKWANG, KUYA KIM, AT RABIYA: