
Puno ng pasasalamat ang TiktoClock dahil sa patuloy na suporta ng mga Tiktropa.
Patuloy na tinututukan ang makukulit at masayang mga episodes ng TiktoClock.
Nitong October 25 ay muling nagwagi sa ratings ang inaabangang variety show sa umaga ng GMA Network.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Ang TiktoClock na pinagbibidahan nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo ay nakakuha ng 4.0 percent rating ayon sa NUTAM People Ratings.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Sa Instagram story ni Pokwang ay nagpasalamat siya sa mga sumusubaybay sa TiktoClock. Ani Pokwang, "Maraming salamat po, Tiktropa!"
Patuloy lamang sa pagsubaybay sa exciting na games at pamimigay ng blessings ng TiktoClock!
Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.