
Naging emosyonal si Rabiya Mateo nang marinig niya ang boses ng kanyang ina sa birthday episode niya sa TiktoClock.
Ngayong November 14 ay nagdiriwang ng 26th birthday ang ating Kapuso beauty queen sa pinagbibidahang morning variety show ng GMA Network. Nakapagbigay ng mensahe ang mommy ni Rabiya via phone call.
Ayon sa ina ni Rabiya na si Christine Mateo, "Happy birthday, magpakabait ka diyan. Magiingat ka parati."
PHOTO SOURCE: @rabiyamateo
Hiling ni Mommy Christine sa anak, "Sa 26 years old mo na edad sana ganoon pa rin tayo. Mahal na mahal ka ni mama mo."
Nagpasalamat naman si Rabiya sa surprise na mensahe ng kanyang mommy Christine sa TiktoClock.
Ani Rabiya, "Thank you mama, I love you po."
Balikan ang full episode ng birthday ni Rabiya sa TiktoClock at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SILIPIN ANG MGA STUNNING PHOTOS NG KAPUSO BEAUTY QUEEN NA SI RABIYA: