
Masayang masaya si Sheryn Regis na napabilang siya sa isang masayang episode ng Kapuso morning variety show na TiktoClock.
Nakasama nina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo sa episode nitong December 22.
PHOTO SOURCE: @sherynregis
Kasama rin ni Sheryn ang Kapuso singers na sina Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Mariane Osabel. Napanood rin nitong Huwebes ang guest co-host na si Rhian Ramos sa TiktoClock.
Sa isang Instagram post ay inihayag ni Sheryn ang pasasalamat na nakapag-perform siya sa TiktoClock.
Ani Sheryn, "Thank you @tiktoclockgma of @gmanetwork for having me. It was such an honor to perform my “Gusto ko nang Bumitaw” hit. Merry Christmas "
Sa kanyang post ipinakita niya rin ang kanilang bonding nina Pokwang at Kuya Kim sa likod ng camera. Kasama rin ni Sheryn sa araw na ito ang partner niyang si Mel de Guia.
PHOTO SOURCE: @sherynregis
Balikan ang episode na ito ng TiktoClock: