
Isang happy week ang napanood sa TiktoClock dahil nakasama nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo ang ilang mga Kapuso stars sa kulitan at happy time.
Last week, napanood ang pagsabak sa exciting at makulit na segment na 'Sang Tanong, 'Sang Sabog! sina Lani Misalucha, Kelvin Miranda, Ysabel Ortega, at Arra San Agustin.
Sa segment na ito ay natuklasan ng mga manonood kung sino sa kanila ang nakakaalam ng mga showbiz news at trivia. Kilalanin kung sino ang nakasagot ng tama at sino ang nasabugan ng Bwi-Seat Blaster.
Balikan ang kanilang funny moments sa TiktoClock.
Patuloy lamang na sumubaybay sa exciting na games at pamimigay ng blessings ng TiktoClock!
Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.
SAMANTALA, BALIKAN ANG BONDING NINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA SA ZAMBOANGA: