GMA Logo Kuya Kim Atienza and Dingdong Dantes
What's on TV

Kuya Kim Atienza, nakatanggap ng sorpresa mula kay Dingdong Dantes sa birthday episode sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published January 24, 2023 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza and Dingdong Dantes


Kitang-kita ang tuwa at gulat ni Kuya Kim Atienza nang bisitahin siya ng kaibigan na si Dingdong Dantes sa 'TiktoClock.'

Isang hindi inaasahang bisita ang sorpresa kay Kuya Kim Atienza sa kanyang kaarawan sa TiktoClock.

Para sa kaarawan ni Kuya Kim ay mas naging espesyal ang episode ngayong January 24 ng TiktoClock dahil nakasama niya si Dingdong Dantes.

Si Dingdong ay hindi lang nagbigay ng mensahe sa kanyang kaibigan kung hindi naging guest co-host at player pa sa mga nakakatuwang segments ng TiktoClock.

Ayon sa Kapuso Primetime King, "Kuya Kim, ikaw ang kuya talaga para sa akin hindi lang sa industriyang ito kung hindi pati sa ibang larangan ng buhay. Kaya sobrang happy ko at sobrang masuwerte ko na nandiyan ka para sa akin."

Dugtong pa ni Dingdong, "Kuya Kim hindi ko na matiis kaya gusto ko nang batiin ka nang personal. Happy happy birthday."

Puno naman ng pasasalamat si Kuya Kim sa pagdating ng malapit niyang kaibigan, "Si Dong ang ninong ko po dito sa GMA. Thank you so much."

Dugtong pa ni Kuya Kim, "Isang malaking honor na maging kaibigan mo at maging kumpare mo, Dong."

Ayon pa kay Kuya Kim, kasama niya si Dingdong sa lahat ng aspeto ng buhay.

Si Dong po ay ilang taon ko nang kaibigan, kumpare ko pa, at kasama ko pa hindi lamang sa telebisyon kung hindi sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ngayong 56 years old na si Kuya Kim, wala na raw siyang mahihiling pa. Ang nasa puso lamang daw ng Kapuso host ay pasasalamat.

"Sa birthday ko na ito, wala akong wish. I have nothing but gratitude in my heart sa lahat ng mga blessings na ibinibigay sa akin ni Lord.

Pagpapatuloy pa ng TiktoClock host, "Ang gusto ko lang ay magpatuloy sana at itong mga blessings sa akin may it overflow to others as well."

Nagpasalamat din si Kuya Kim dahil sa espesyal ang kaarawan niyang ito sa TiktoClock.

"It has been one of the most complete. Maraming maraming salamat sa lahat ng staff and all those behind TiktoClock."

Happy birthday, Kuya Kim!

Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.

SAMANTALA, BALIKAN ANG BONDING NINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA SA ZAMBOANGA: