GMA Logo Eugene Domingo
What's on TV

Eugene Domingo, naging co-host sa 'TiktoClock' habang nasa Amerika si Pokwang

By Maine Aquino
Published March 23, 2023 4:27 PM PHT
Updated March 23, 2023 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo


Napanood si Eugene Domingo bilang guest co-host sa 'TiktoClock' ngayong March 23.

Isang masayang episode ng TiktoClock ang napanood ngayong March 23 dahil nakasama natin ang award-winning Kapuso actress na si Eugene Domingo.

Ayon kay Eugene, siya ay tinawagan para maging host ng TiktoClock ngayong Huwebes ng umaga habang nasa Amerika ang kaibigan na si Pokwang.

Si Pokwang ay nasa Amerika para sa series of shows nila ni K Brosas na BFFs.

Sa opening ng TiktoClock ay nag-congratulate si Eugene sa Kapuso variety show.

"Una sa lahat maraming maraming salamat at congratulations sa inyong lahat. TiktoClock, napaka-successful!"

Masaya raw si Eugene dahil nakasama siya sa kulitan habang wala si Pokwang. Ayon pa kay Eugene, anytime ay puwede siyang tawagan ng TiktoClock.

"I'm so so happy kaya nga anytime na kailangan ninyo ako, lalo na ngayon na wala 'yung kumare ko 'no?"

Pokwang and Eugene Domingo

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Biro pa ni Eugene sa episode na ito ay ang paghingi ng katahimikan sa studio dahil wala si Pokwang. Kuwento ni Eugene, "Alam niyo kasi noong tinawagan ako sabi 'wala na po kasi si Pokwang.' (Sabi ko) nasaan, bakit? Kaya kayo na po 'yung magho-host."

Dugtong ng mahusay na aktres, "Umalis lang. Nako, maraming salamat! Fake news, buhay na buhay pa po si Pokwang!"

Ayon pa kay Eugene, napanood siya sa TiktoClock ngayong araw para sa kaniyang kaibigan. Ani Eugene, "Dahil siya ay isang special na kaibigan sa akin kaya nandito ako for you, Pokwang."

Subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network at sa livestream via GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.

SAMANTALA, BALIKAN ANG PAGBISITA NINA POKWANG, KUYA KIM ATIENZA AT RABIYA MATEO SA ZAMBOANGA: