
Puno ng pasasalamat at lalo pang na-inspire na magbigay saya ang TiktoClock hosts dahil sa patuloy na nakakakuha ng mataas na ratings ang programa.
Ibinahagi ng ilang TiktoClock hosts ang kanilang pasasalamat sa mga patuloy na nanonood at nakikisaya sa kanilang programa. Napapanood sa morning variety show ng GMA Network sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo, Faith Da Silva at Jayson Gainza.
Noong Lunes (March 27) nakakuha ng 3.9 percent rating ang TiktoClock ayon sa NUTAM People Ratings. Sinundan naman ito ng 4.0 percent rating noong Martes (March 28).
Ayon kay Kuya Kim, nakaka-inspire ang suporta ng mga Tiktropa, "Salamat tiktoropa! You inspire us!"
PHOTO SOURCE: TiktoClock/ @itspokwang27
Saad naman ni Pokwang ang kaniyang pasasalamat sa mga manonood.
"Marami pong salamat, mga Kapuso!"
Samantala, si Rabiya ay proud na ipinost ang kanilang ratings sa TiktoClock sa kaniyang Instagram stories. Si Faith naman ay nag-post din na may kasamang heart emoji.
Huwag magpahuli at patuloy lamang na sumubaybay sa exciting na games at pamimigay ng blessings ng TiktoClock!
Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.
SAMANTALA, NARITO ANG SUMMER PHOTO SHOOT NG TIKTOCLOCK HOSTS: