GMA Logo Carla Abellana
What's on TV

Carla Abellana opens up about the struggles of planning a wedding amid the pandemic

By Aedrianne Acar
Published September 18, 2021 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Nakatakdang gawin ang dream wedding ng 'To Have And To Hold' star na si Carla Abellana sa kanyang longtime boyfriend na si Tom Rodriguez sa darating na Nobyembre.

Mahirap man, buong puso pa rin ang ginagawang paghahanda ng magkasintahan na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez para sa nalalapit nilang kasal sa darating na Nobyembre.

Umamin si Carla sa panayam ng 24 Oras na hindi madali ang ginagawa nilang preparasyon para sa kanilang dream wedding sa gitna ng nararanasan nating pandemya.

Idagdag pa raw ang pabago-bagong protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kuwento ni Carla sa Chika Minute, “Mas mahirap gawin, kasi pandemic po ngayon. Most especially because we don't have full control of what's happening around us pati 'yung mga protocols, decision ng government. It affects everything, pero kahit papaano naitatawid naman po so far.”

Magiging busy rin si Carla kasama sina Max Collins at Rocco Nacino sa mga darating araw para sa grand promotion ng pinakabago nilang GMA Telebabad series na To Have And To Hold.

Dapat daw abangan ng mga Kapuso ang kuwento tungkol sa karakter niya na si Erica pati ang mga roles ng co-stars niya na sina Gavin at Dominique.

Ayon kay Carla, “Two married couples who struggled in their marriages, so ito 'yung kumbaga ano gagawin nila given the situation na may mga problema [o] maling desisyon na ginawa.”

Source carlaangeline IG

Sa parehong ulat ng Chika Minute, may ibinigay na detalye si Max sa role niya bilang Dominique.

“I'm an interior designer. Asawa siya ni Gavin played by Rocco Nacino. Very confident, very emotional, very vulnerable. Mas mature 'to from anything that I have done before.”

Excited naman ang drama actor na si Rocco Nacino sa magiging reaction ng televiewers sa role niya bilang Gavin sa To Have And To Hold.

Aniya, “Gavin is a chef, a restaurant owner and a husband na who goes through the ups and downs of a marriage. Sa mga Kapuso natin kung mainis sila sa akin o maawa o ano.

“So, I'm welcoming all those opinions.”

Huwag papahuli sa primetime premiere ng To Have And To Hold sa GMA Telebabad sa darating na September 27.