
Nakabuti raw para sa lead stars na sina Carla Abellana at Max Collins ang kaba na naramdaman nila sa paggawa ng mapangahas na serye na To Have and To Hold.
Gagampanan ni Carla ang karakter na Erica at isang interior designer naman sa istorya ang role ni Max bilang si Dominique.
Sa katatapos pa lamang na grand media conference ng primetime series na idinaos online ngayong Martes ng hapon, umamin si Max Collins sa panayam niya kay 24 Oras reporter Nelson Canlas na kabado siya sa project na ito, lalo na at fan siya ni Carla.
Saad niya, “Kinabahan ako because not only was it my first time working with Carla and I'm a fan of hers. The fact that I'd be working with Rocco and I know how great of an actor Rocco is, I was nervous that I wouldn't be able to keep up with them, to be honest, but our chemistry was really really good and it's something that I'm proud of.”
Dagdag niya, “So, I think it's more of excitement as opposed to nervousness and it worked, because it made me stay on my toes. And it made me do better and push harder as an actress.”
Sinegundahan naman Carla Abellana ang sinabi ng co-star. Aniya maganda sa tulad nilang aktor na makaramdam ng kaba sa tuwing sasabak sa isang project.
Paliwanag niya, “I agree on what she said, the part na that okay din 'yung may konting kaba, may konting nervousness and discomfort, kasi nga it keeps you on your toes. I agree with that.”
Sa current set-up ng pagsho-shoot ngayong pandemic, nagpatupad ang GMA Network ng lock-in taping sa mga projects na kanilang ginagawa.
Dahil dito, minsan umaabot ng ilang linggo o minsan isang buwan na nanatili sa isang lugar ang buong team ng show.
Tinanong ng GMANetwork.com ang director ng To Have And To Hold na si Don Michael Perez kung paano niya inalaagan ang morale at naiibsan ang pressure na nararamdaman ng lahat habang nasa lock-in taping sila noon sa Bataan.
Kuwento ni Direk Don, “In a word I guess yoga, kasi importante 'yung mental health ng lahat, hindi lang ng actors, kundi all the people working on the set. Tapos ang hirap talaga ng sitwasyon 'di ba naka-bubble kayo. Kayo-kayo lang nagkikita, tapos wala kayong link sa outside world aside from telecommunications. So, importante 'yung alagaan 'yung mental health ng lahat ng taong involved.”
Siguradong intense at madrama ang mga eksenang inyong mapapanood sa pinakabagong Telebabad series ng GMA, Abangan ang To Have and To Hold simula September 27.
Samantala, narito ang ilang eksena sa pictorial ng pinakabagong Kapuso drama.