GMA Logo Gilleth Sandico
What's on TV

'To Have And To Hold' actress Gilleth Sandico, ramdam ang hirap na maging OFW nang sumabak sa lock-in taping

By Aedrianne Acar
Published September 28, 2021 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Gilleth Sandico


Kumusta ang experience ng character actress na si Gilleth Sandico nang sumabak sa mahabang lock-in taping ng 'To Have And To Hold?'

Isinalarawan ng versatile actress na si Gilleth Sandico ang experience niya sa pagsabak sa lock-in taping ng To Have And To Hold na tila isa siyang overseas Filipino worker.

Nanay Vicky and Erica of To Have And To Hold

Gumaganap si Gilleth bilang Nanay Vicky na magulang ng karakter ni Carla Abellana na si Erica.

Sa panayam niya sa GMANetwork.com, tinanong namin siya kung paano siya nag-adjust sa taping ngayong new normal at nasa gitna tayo ng isang pandemic.

Saad niya, “Siyempre tumaob mundo namin 'di ba, [dahil sa pandemic]. Me personally, the new normal turned my life up, side, down.

“My first lock-in was Prima Donnas, feeling ko OFW ako- out of deference to the real OFWs, feeling ko nag-OFW ako for two weeks, e, nasa Antipolo lang naman ako. So, it was really hard.”

Dagdag niya, “Thank God na lang for messenger I get to call my daughter every day. Nangungulila ako 'di ba, nakipagsapalaran ka,e, nasa Antipolo lang naman ako.”

Ayon kay Gilleth, bagama't umabot ng anim na linggo ang naging lock-in taping nila for the primetime series, malaking tulong para sa kanyang mental state ang naging location nila sa Bataan.

“Second lock-in taping ko na itong To Have And To Hold - it got better. But six weeks, six weeks na wala ka sa family mo not in your own house, not in your own home it's really difficult, but 'yung resort na tinirahan namin was such a blessing, because it was such a beautiful place," kuwento niya.

“It was a huge blessing because the place was huge! It was surrounded by nature and there was a chapel, it really calmed me down,” dagdag ng aktres.

Ramdam din daw niya ang pagmamahal at suporta ng buong team ng soap na tinawag niya na “very loving.”

“And thank God ito 'yung team na napuntahan ko, cause all the people were good, kind, and generous, and very loving,” saad pa niya.

Tutukan ang magiging papel n i Nanay Vicky sa buhay ni Erica sa mapangahas na serye na To Have And To Hold, pagkatapos ng Legal Wives, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.