
This week, malalaman na kung ano ang mangyayari sa tatlong pangunahing karakter sa To Have And To Hold na sina Erica (Carla Abellana), Gavin (Rocco Nacino), at Dominique (Max Collins) sa pagtatapos ng GMA Telebabd series sa darating na Biyernes.
Pero ngayon pa lamang, hindi na maitago ni Ina Feleo, gumaganap na Quel sa serye, na nami-miss niya ang katrabaho sa soap.
Sa Instagram Story ng versatile actress, ipinasilip niya ang groufie niya kasama sina Max Collins at Gilleth Sandico.
Nag-post din si Ina ng photo niya with Carla Abellana at may paalala ito sa mga viewer na naiinis sa karakter niya sa show.
Hirit ni Ina sa mga manonood, “Sa mga nagmemessage sakin, kalma lang po tayo, friends kami ni Erica @carlaangeline huhu patapos na, thank you sa lahat ng sumubaybay!!! #tohaveandtohold.”
Napa-comment din sa post ni Ina ang Kapuso hunk na si Luis Hontiveros na pino-portray ang karakter bilang Daryl sa show.
Walang bibitaw sa epic finale ng kinahuhumalingan n'yong soap gabi-gabi at abangan ang mangyayari sa last Wednesday episode mamaya ng To Have And To Hold, pagkatapos ng The World Between Us.
Bago matapos ang kuwento nina Erica, Gavin, at Dom, gusto naming malaman mga Kapuso, kung sino sa dalawang babae ang sa tingin n'yo karapat-dapat para kay Gavin. See the poll below.