
Handang-handa na ang mga ka-TODA sa buong Pilipinas para sa world premiere ng TODA One I Love ngayong araw, February 4.
Nagkalat na ang tarpaulins ng TODA One I Love sa buong bansa at hindi na rin makapaghintay ang mga driver na mapanood ang pilot ng serye.
Handog ng GMA News and Public Affairs ang napapanahong eleksyon serye na may halong romance at comedy, ang TODA One I Love.
Bibida sa TODA One I Love sina Kylie Padilla, Ruru Madrid, David Licauco, Jackie Rice, Gladys Reyes at Victor Neri.
Makakasama nila sina Maureen Larrazabal, Tina Paner, Ayeesha Cervantes, Bruce Roeland, Archie Alemania, Kim Domingo at Allen Dizon.
IN PHOTOS: Meet the cast of GMA's upcoming series 'TODA One I Love'
Abangan ang world premiere ng TODA One I Love mamayang gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad!
TODA One I Love: Mamaya na | Teaser