What's on TV

WATCH: Pilot episode ng 'TODA One I Love,' trending!

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 6, 2019 4:13 PM PHT
Updated February 6, 2019 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, 'TODA One I Love'!

Trending agad ang pilot episode ng TODA One I Love na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Ruru Madrid at David Licauco.

Ruru Madrid at Kylie Padilla
Ruru Madrid at Kylie Padilla

Pilot episode ng 'TODA One I Love,' trending online

Simula pa lang, may nakawang naganap na agad sa Brgy. Labuyo pero buti na lang andyan sina Tolits (Allen Dizon) at Gelay Dimagiba (Kylie Padilla) para habulin ang mga magnanakaw.

Dahil fiesta sa kanilang bayan, may talent show ang Brgy. Labuyo. Talo man sina Tolits at Gelay sa kompetisyon, panalo pa rin si Gelay dahil nakilala niya ang guwapong anak nina Mayor Migs (Victor Neri) at Mayora Dyna T. Generoso (Gladys Reyes) na si Kobe (David Licauco).

Laking tuwa naman ni Gelay nang makita niya ang kanyang kababata na si Emong (Ruru) pero siguradong malulungkot ito dahil sa nangyari sa kanyang ama.

Ano ba ang nangyari kay Tatay Tolits?

Alamin ang sagot at panuorin ang buong pilot episode (February 4) ng TODA One I Love:

Patuloy na subaybayan ang kapana-panabik na eksena ng TODA One I Love, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng Onanay.