
Inamin ni TODA One I Love star Kylie Padilla na ang lakas ng sampal sa kanya ni Gladys Reyes sa episode kagabi, March 6.
Sa pocket press conference ng TODA One I Love inamin ni Kylie na nagising siya sa eksena nila ni Gladys dahil madaling araw na nila ito kinunan.
Bakit parang kasalanan ni Gelay, Mayora? | Episode 23
"Nagising ako, good morning!" kuwento ni Kylie.
Dagdag naman ng kanyang leading man na si Ruru Madrid, "Parang dumagundong 'yung mundo eh. Pagkatapos [ng eksena], 'Kylie, okay ka lang?'"
Pero wala namang problema ang nangyari kay Kylie dahil mas gusto niya na totohanin kaysa pinepeke.
"Mas maganda nga minsan [na totoo] para hindi mo ipe-fake, pilit kasi 'pag fake eh," dagdag ni Kylie.
Patuloy na abangan ang tapatan ng mga karakter nina Kylie at Gladys gabi-gabi sa TODA One I Love na mapapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Onanay.