GMA Logo tomorrow s Cantabile
What's on TV

Tambalang Joo Won at Shim Eun-kyung, mapapanood na mamaya sa 'Tomorrow's Cantabile'

By Dianne Mariano
Published February 16, 2023 2:56 PM PHT
Updated February 19, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

tomorrow s Cantabile


Sabay-sabay nating abangan mamayang 4:30 p.m. ang nakatutuwang kuwento nina Eugene (Joo Won) at Naeil (Shim Eun-Kyung) sa 'Tomorrow's Cantabile' sa GTV.

Mapapanood na mamayang hapon ang Korean drama series na Tomorrow's Cantabile sa GTV.

Magbibigay ng saya at kilig ang dalawang mahuhusay na Korean stars na sina award-winning actor Joo Won at Shim Eun-kyung bilang sina Eugene at Naeil.

Kabilang din sa cast ng seryeng ito sina Park Bo-gum (Juno), Ko Kyoung-pyo (Lance), Baek Yoon-sik (Franz), Lee Byung-joon (Henry), Namgung Yeon (Jackson), at Bae Min-jung (Shannon).

Ang kuwento ng Tomorrow's Cantabile ay tungkol sa dalawang university students na sina Eugene at Naeil, na parehong piano majors. Nakilala si Eugene dahil sa kanyang good looks at angking galing sa pagtugtog ng mga musical instrument, habang si Naeil naman ay carefree at simpleng mag-aaral.

Sa likod ng personalidad ng dalaga, isa rin siyang henyo sa musika.

Nang dahil sa aroganteng personalidad ni Eugene, malilipat siya kay Professor Jackson, na guro ni Naeil. Isang araw, naisip ni Professor Jackson na magkaroon ng musical duet performance sina Eugene at Naeil kung kaya't kailangan nilang pakisamahan ang isa't isa.

Anu-ano kaya ang mga matutuklasan nina Eugene at Naeil sa isa't isa? Sa kabila ng pagiging polar opposites, mayroon kayang mabubuong pag-iibigan sa pagitan ng dalawa?

Huwag palampasin ang Tomorrow's Cantabile tuwing Sabado at Linggo, 4:30 p.m., sa GTV.

Subaybayan ang Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.