
Bukas, May 27, 2023, 9:00 p.m., ay mapapanood ng advance ang drama series na Unbreak My Heart sa GMANetwork.com via Kapuso Stream.
Kasabay nito ay ipapalabas na rin ang naturang serye sa iWantTFC at Viu.
Makikilala bilang lead stars sa pinakaaabangang serye sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, and Jodi Sta. Maria.
Tampok din sa teleserye ang mga aktor na sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Nikki Valdez, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, Bianca De Vera, Dionne Monsanto, Maey Bautista, Philip Joshua Endrinal, Mark Rivera, Marvin Yap, at marami pang iba.
Handog ng naturang palabas ang malalalim na istorya tungkol sa pag-ibig at pamilya.
Ang Unbreak My Heart ay ang biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at video-streaming platform na Viu Philippines.
Subaybayan ang inyong mga paboritong Kapuso at Kapamilya stars sa napakalaking television project na ito.
Sa darating na Lunes, May 29, magsisimula nang ipalabas ang upcoming series sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV at TFC.