GMA Logo unbreak my heart
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

'Unbreak My Heart' viewers, napa-react sa first kissing scene nina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria

By EJ Chua
Published May 31, 2023 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

unbreak my heart


Napanood n'yo rin ba ang unang sweet scene nina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria sa #UnbreakMyHeart?

Sa ikalawang episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, napanood ang unang kissing scene ng lead stars na sina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria.

Kasalukuyang napapanood sina Joshua at Jodi bilang sina Renz at Rose, parehong Pinoy na tila pinagtagpo ng tadhana sa Switzerland.

Sa pagdaan ng mga araw na tinutulungan ni Renz si Rose na hanapin ang kanyang anak, mas napapalapit na sila sa isa't isa.

Napanood sa previous episode na patakas na nagtungo ang dalawa sa opisina ng dating asawa ni Rose na si Matteo (Richard Yap) upang alamin ang kanilang home address.

Nang makapasok sila sa opisina agad silang naghanap ng bagay na makakatulong upang malaman ang posibleng kinaroroonan ng anak ni Rose.

Kasunod nito, may biglang dumating at muntik na silang mahuli ng ilang nagtatrabaho roon.

Matapos nito ay hindi inaasahan ni Rose na muli siyang pupuntahan ni Renz upang ipaalam na mayroon siyang nakuha sa opisina na mayroong nakalagay na address.

Labis ang saya na naramdaman ni Rose at kasunod nito ay natunghayan na ang isang kissing scene.

Narito ang ilang reaksyon at komento ng viewers at netizens sa sexy scene nina Joshua at Jodi:

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Miyerkules, May 31, sa video na ito:

Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: