
Sa ikaapat na episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, matutunghayan kung ano ang mga kayang gawin ni Renz (Joshua Garcia) para kay Rose (Jodi Sta. Maria).
Matapos mahuli ng mga pulis si Rose dahil sa ilegal na pagpasok nito sa mansyon ng Zhang family, pinuntahan ni Renz ang una.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas, biglang hinimatay si Rose at sa mga sumunod na eksena ay nalaman na ni Renz na mayroong brain cancer ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.
Nang malaman ni Renz na mayroong malubhang karamdaman si Rose, tila lalo niya itong gustong alagaan at samahan sa araw-araw.
Samantala, dahil sa isang malalim na dahilan, napilitan si Luz (Nikki Valdez) na paalisin sa kanilang tahanan si Rose kaya sumama na lamang muna ang huli sa tinutuluyan ni Renz.
Kaabang-abang ang nakakaantig at mas matitinding mga eksena nina Renz at Rose.
Hindi rin dapat palampasin ang kauna-unahang pagtatagpo ni Rose at ng nanay ni Renz na si Vangie (Eula Valdes).
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Huwebes sa video na ito:
Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ni Vangie na mayroon pa lang dahilan kung bakit hindi itinuloy ni Renz ang pagpapakasal sa babaeng gusto ng una para sa huli?
Makakayanan kaya ni Rose ang bawat mga susunod pang pagsubok na kanyang pagdadaanan?
Hanggang kailan kaya mapapasaya ni Rose si Renz?
Kaya bang tanggapin ng binata na mayroong hangganan ang kanilang pag-iibigan?
Alamin ang mga kasagutan sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: