GMA Logo ianna bernardez
What's on TV

Anak ni Angel Aquino na si Iana Bernardez, napapanood sa 'Unbreak My Heart'

By EJ Chua
Published August 3, 2023 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cavs share scoring duties in victory over Hornets
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

ianna bernardez


Patuloy na subaybayan ang mga eksena ni Iana Bernardez sa Unbreak My Heart.

Isang bagong karakter ang napapanood ngayon sa pinag-uusapang drama series na Unbreak My Heart.

Bukod sa lead stars ng serye na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, Jodi Sta. Maria, at iba pang aktor, sinusubaybayan din ng mga manonood ang karakter ni Iana Bernardez.

Ang Kapamilya star na si Iana ay anak ng aktres din na si Angel Aquino. Bukod sa pagiging isang aktres, isa ring film producer si Iana.

Kasalukuyan siyang napapanood sa Unbreak My Heart bilang si Jessa, ang kakambal ng namatay na ex-girlfriend ni Renz, ang karakter ni Joshua Garcia sa serye.

Sa bagong episode ng serye na ipapalabas ngayong Huwebes ng gabi, matutunghayan na mayroong mananakot kay Jessa upang manatili ang sikreto ni Renz at ng kanyang pamilya.

Masasaksihan ito ni Rose, ang karakter ni Jodi Sta. Maria sa naturang programa.

Panoorin ang ilang mangyayari sa karakter ni Iana mamaya sa video na ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.