
Masaya ang buong cast at production team ng romantic drama series na Unbreak My Heart sa success ng kanilang serye. At ayon sa isa sa mga bida nitong si Richard Yap, marami silang naririnig na magagandang feedback tungkol dito.
“Ang nabasa ko is 'grabe ang execution ng show na 'to.' Ang gagaling daw from the writers to the directors to the actors who are giving their best to all the scenes daw,” sabi ni Richard sa interview niya kay Aubrey Carampel sa “Chika Minute” para sa 24 Oras.
Dagdag pa ng aktor, “Nakakataba ng puso na na-appreciate ng mga tao all the hard work [we put in].”
BALIKAN ANG PAGDALO NG UNBREAK MY HEART STARS SA GMA GALA 2023 DITO:
Ibinahagi rin ng aktor na marami ang nagsasabi na masaya silang mapanood ang show. Samantala, ang iba naman ay nagpahayag na gusto pa nilang ipagpatuloy pa ang series. Kaya naman, isang magandang balita ang inanunsyo ni Richard.
“We are happy to announce that we will be starting our book two or season two of Unbreak My Heart starting next week,” pagbabahagi ni Richard.
Ngunit bago pa man magsimula ang book two ng serye ay marami pang dapat abangan ang mga manonood, ayon sa aktor.
“Actually, puro cliffhanger ang nangyayari dito, hindi mo talaga alam kung saan pupunta 'yung storya,” saad pa niya. “There's a lot of twists, there's a lot of surprises, so hindi mo talaga puwedeng mag-skip ng isang episode.”