GMA Logo Gabbi Garcia and Unbreak My Heart stars
What's on TV

Gabbi Garcia at iba pang 'Unbreak My Heart' stars, umani ng papuri mula sa viewers dahil sa wedding scenes

By EJ Chua
Published August 25, 2023 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia and Unbreak My Heart stars


Talaga namang pinag-usapan ang intense na mga eksena sa wedding nina Renz at Alex/Xandra sa #UnbreakMyHeart.

Kasalukuyang pinag-uusapan sa social media ang intense scenes na napanood sa drama series na Unbreak My Heart.

Ang naturang episode ay umere kasabay ng pagtatapos ng unang kabanata ng serye.

Sa katatapos lang na episode, natunghayan ang matitinding mga nangyari sa engrandeng wedding nina Renz at Alex/Xandra.

Ang Kapamilya star na si Joshua Garcia ang gumaganap sa karakter ni Renz, habang si Gabbi Garcia naman ay napapanood bilang si Alex/Xandra sa serye.

Humakot ng papuri ang Sparkle star na si Gabbi nang biglang umatras sa kasal ang kanyang karakter na si Alex/Xandra.

Habang kasama niya si Renz sa harap ng altar, tinanong siya ng pari kung tinatanggap niya ba ang una upang kanyang maging asawa.

Noong una ay pinipigil ng bride na bumuhos ang kanyang emosyon hanggang sa matapang itong sumagot at ibinunyag na alam na niya ang sikreto ni Renz at ni Rose (Jodi Sta. Maria) na kanya mismong ina.

Ito ang isa sa mga linyang sinabi ni Alex/Xandra, "My groom is having an affair with my mother.”


Labis na hinangaan ng viewers at netizens ang acting skills ni Gabbi, at ayon pa sa kanila ay napaiyak sila ng karakter ng aktres.

Bukod kay Gabbi, hinangaan din ng marami ang ipinakitang husay sa pag-arte nina Joshua Garcia, Richard Yap, Jodi Sta. Maria, at iba pang aktor na napanood sa naturang intense scenes.

Kung hindi mo pa ito napanood, narito ang full episode ng pinag-uusapang wedding scenes sa serye:

Abangan pa ang mas matitinding rebelasyon sa Book 2 ng Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.