
Noong nakaraang linggo, ipinalabas na ang ikapitumpu't dalawang episode ng drama series na Unbreak My Heart.
Umani ng papuri ang mga eksenang napanood sa episode na “Banta sa pagtuklas.”
Bukod sa mga eksena, humanga rin ang viewers at netizens sa ilang karakter sa serye.
Kabilang sa mga ito ang karakter ni Gabbi Garcia na si Alex na kilala rin bilang si Xandra.
Bukod sa kanya, nakatanggap din ng papuri ang aktor na si Joshua Garcia na napapanood sa serye bilang si Renz.
Natunghayan sa episode na sinubukang ayain ni Alex si Renz na ituloy ang naudlot nilang kasal ngunit hindi naging maayos ang kanilang pag-uusap.
Pinaghinalaan ni Renz si Alex na kaya gusto nitong ituloy ang kasal dahil gusto siyang ipahiya ulit ng huli sa harap ng maraming tao.
Napaisip kasi si Renz kung bakit hindi tumitigil si Alex sa pagtuklas ng katotohanan tungkol sa kanyang mga nakaraan.
Habang sila ay nagtatalo, nalaman ni Renz na alam ni Alex ang sikretong matagal na itinago ng huli at ng kanyang ina na si Vangie (Eula Valdes).
Tila nadala ang viewers sa emosyon ng mga karakter nina Gabbi at Joshua.
Kasalukuyang pinag-uusapan sa social media ang intense scenes dito.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa naturang episode:
Kung hindi mo pa ito napanood, narito ang highlights ng “Banta sa pagtuklas” episode:
Abangan pa ang mas matitinding rebelasyon at mga eksena sa Unbreak My Heart.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.