GMA Logo Joshua Garcia naiyak sa ending ng Unbreak My Heart
Courtesy: GMANetwork.com
What's on TV

Joshua Garcia, naiyak sa pagtatapos ng 'Unbreak My Heart?'

By EJ Chua
Published October 27, 2023 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughters of King Charles’ brother Andrew join royals for Christmas service
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia naiyak sa ending ng Unbreak My Heart


Ano kaya ang tunay na nararamdaman ni Joshua Garcia sa nalalapit na finale ng 'Unbreak My Heart?' Alamin DITO:

Ilang linggo na lang at magwawakas na ang biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.

Kamakailan lang, inimbitahan ng GMA Integrated News Interviews at ni Nelson Canlas ang isa sa lead stars nito na si Joshua Garcia.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Joshua ang ilang mga bagay tungkol sa serye. Kabilang na rito ang tunay na nararamdaman ng aktor sa nalalapit na pagtatapos ng naturang drama series.

Seryosong nagbigay ng pahayag si Joshua tungkol sa pakiramdam niya tungkol dito.

Ayon sa kanya, tila magkahalong emosyon ang mayroon ngayon sa kanyang puso.

Pagbabahagi niya, “First, I'm excited na mapanood ng mga tao 'yung hanggang ending. Lalo na 'yung mga sumubaybay talaga nung umpisa…”

Dagdag pa niya, “Na-sepanx ako nung una, nung pagkatapos nung taping naming ng July. Then, August parang sobrang nase-sepanx ako, parang may mga gabi na naiiyak ako. Naiyak ako sa lungkot.”

Kwento pa ng aktor, napamahal na umano siya sa kanyang karakter na si Renz.

Sabi niya, “Grabe rin kasi 'yung character ko rito, minahal ko rin talaga 'yung character ko.”

Bukod kay Joshua, napapanood din bilang lead stars sa serye sina Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Patuloy na tumutok sa natitirang ilang linggo ng Unbreak My Heart.

Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC. Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.