GMA Logo Gabbi Garcia, Unbreak My Heart
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Viu
What's on TV

Gabbi Garcia, nabigla sa finale scenes ng 'Unbreak My Heart'

By EJ Chua
Published October 31, 2023 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia, Unbreak My Heart


Gabbi Garcia sa nalalapit na pagtatapos ng 'Unbreak My Heart': 'Nagulat din kami habang ginagawa namin'

Ilang linggo na lang at mapapanood na ang finale episode ng Unbreak My Heart, ang biggest collaboration series ng GMA, ABS-CBN, at Viu.

Ano pa kaya ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos nito?

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Sparkle star at Global Endorser na si Gabbi Garcia, ilang detalye ang ibinahagi niya tungkol sa finale ng kanilang serye.

Nagpahapyaw siya tungkol sa exciting scenes na dapat subaybayan ng viewers.

Ayon sa lead actress, “Maraming unexpected na twists na kahit kami nung binabasa namin, nagulat din kami habang ginagawa namin.”

“Ang dami nga talagang shocking revelations,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Gabbi, dapat daw ay subaybayan ng viewers ang finale episode ng pinag-uusapang drama series.

Pahabol niya, “Dapat kumapit sila hanggang dulo.”

Bukod kay Gabbi, napapanood din bilang lead stars sa serye sina Joshua Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Huwag palampasin ang mga susunod pang intense scenes sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.