
Sa pagtatapos ng Unbreak My Heart, ngayong Huwebes, November 16, bitbit ni Bianca De Vera ang mga aral na natutuhan niya habang ginagawa ang serye.
Sa finale mediacon ng Unbreak My Heart, ibinahagi ni Bianca na marami siyang natutuhan sa kanyang karakter dito na si Gwen.
Si Gwen ay ang endearing, maganda, at supportive na kapatid ni Alex/Xandra, ang role ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa serye.
Ayon kay Bianca, hanga siya sa ugali at kilos ng kanyang karakter.
Pahayag niya, “I just really admire Gwen's patience bilang anak… Her parents are separating. She doesn't really have anyone to hold on to. 'Tapos, lagi pa silang nag-aaway ng jowa-jowaan niya [Jerry].
“So, parang it's just really hard and it's a struggle for a teenager like her. I really admire her patience and how much more she is."
Kasunod nito, inilarawan niya kung bakit siya labis na humahanga sa ugali ni Gwen.
Saad ng aktres, “Nung pinapanood ko sabi ko, Oh my gosh, sinabi ko 'yun 'yung sa ate ko [Alex]… Si Gwen, sobrang deep niya mag-isip, she's not surface level… I just really admire that about her.”
Pahabol pa ng yougn actress, “After Gwen, natuto akong mas maging patient, kind, rational. I really learned a lot from her and I'm grateful."
Si Gwen ay ang katambal ni Jerry, ang karakter ng Sparkle actor na si Will Ashley sa first-ever collaboration series ng GMA, ABS-CBN, at Viu.
Siya rin ang anak ni Matt (Richard Yap) kay Christina (Sunshine Cruz).
Abangan kung ano ang mangyayari sa buhay ni Gwen sa huling gabi ng Unbreak My Heart.
Panoorin ang ilang pasilip sa eksenang mapapanood mamayang gabi:
Abangan pa ang mas matitinding rebelasyon at mga eksena sa natitirang ilang gabi ng Unbreak My Heart.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.